-- Advertisements --

Mahigpit na tumugon ang iba’t-ibang regional offices ng Land Transportation Office (LTO) sa pagpapatupad ng roadworthiness inspections sa mga pampasaherong buses at pagsasailalim sa drug test sa mga crew ng mga ito.

Sinabi ni LTO Secretary Vigor Mendoza III, na ang nasabing pagsasailalim sa random drug tests sa mga drivers at conductors ay para matiyak na ligtas ang mga pasahero na magbabiyahe ngayong Undas.

May mga inilagay na rin silang mga hotlines sa mga bawat terminals para agad na maisumbong ng mga pasahero ang mga abusadong drivers at konducters.

Tiwala naman ito na may sapat na bilang ang kanliang personnel na ipinakalat para umalalay sa pagsasaayos ng daloy ng trapiko.