-- Advertisements --
Epektibo na simula Hulyo 1 ang ipapatupad ng Land Transportation Office (LTO) na “no plate, no travel” policy para sa mga tricycle sa pampublikong transportasyon sa Quezon City.
Inihayag ng LTO na ang istriktong implementasyon ng polisiya ay matapos masulosyunan ng ahensya ang 3,000 backlog ng tricycle license plates sa naturang lungsod noong nakaraang buwan.
Makikipag-ugnayan umano ang LTO sa Quezon City local government kaugnay sa naturangn implementasyon.
Ayon kay LTO chief Vigor Mendoza II, ang “No Plate, No Travel” policy sa Quezon City ay magsisilbing pilot run ng mas pinahigpit na road safety at anti-colorum measures ng ahensya na balak nitong ipatupad nationwide.