-- Advertisements --

Inatasan ng Land Transportation Office (LTO) ang kanilang mga tauhan na habulin ang mga colorum o hindi rehistradong public utility vehicles (PUVs) at mga namimili na taxi driver tuwing Christmas rush.

Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II, ipapakalat ang mga tauhan ng Law Enforcement Service ng LTO sa mga mall sa Metro Manila at iba pang urban areas sa bansa para isagawa ang “Oplan PASAWAY,”.

Sinabi ni Mendoza na laging dumarami kasi ang mga reklamo laban sa mga taxi driver na tumatangging maghatid ng mga biyahero tuwing panahon ng Pasko.

Anya, mahigpit na ipinagbabawal ito dahil violation sa kanilang prangkisa.

Umapela si Mendoza sa publiko na mag-ulat sa mga awtoridad kung sila ay maging biktima ng mga mapiling taxi driver.

Una nang sinabi ni Mendoza na ang operasyon ay inaprubahan ni Department of Transportation Secretary Jaime Bautista at nakipag-ugnayan kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairman Teofilo Guadiz III.