Ipinag-utos ni Land Transportation Office (LTO) chief Vigor D. Mendoza II sa lahat ng regional directors at district office heads ng ahensya na paigtingin ang regular na road worthiness inspection ng mga public utility bus sa mga terminal.
Ito ay kasunod ng isang nakamamatay na aksidente sa kalsada sa Antique na nag-iwan ng dose-dosenang kataong nasawi.
Binigyang-diin ni Mendoza ang kahalagahan ng regular roadworthiness inspection lalo na, na milyun-milyong pasahero ang inaasahang bibiyahe sa buong bansa para sa kapaskuhan.
Ang mahalaga aniya ay masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero at iba pang mga gumagamit ng kalsada, lalo na sa panahon ng Pasko, na inaasahan ang mas maraming biyahe.
Una nang sinabi ng LTO na ipinag-utos na nito ang masusing imbestigasyon ukol sa naganap na aksidente.
Matatandaan na isang bus ang bumulusok sa malalim na bangin sa Hamtic, Antique bandang alas-4:30 ng hapon noong Martes.