Matagumpay na nailunsad ng Land Transportation Office (LTO) ang panukalang naglalayon na ang mga driver’s license holders ay makapag renew virtually.
Mahagit 500 Overseas Filipino Workers (OFW) ang nagbenepisyo sa naging pilot implementation ng nasabing panukala sa Taiwan sa unang araw ng pagpapatupad nito kahapon, Setymebre 21.
Sa lumabas na initial assessment ni LTO chief at Assistant Secretary Vigor D. Mendoza II, ang online website at platform na kanilang ginamit ay gumagana ng maayos at mabilis. Kinaya umano ng digital platform ang ma-renew ang mahigit 200 na indibidwal nang sabay sabay.
Ani Mendoza, ito ay kanilang ginagawa nang naaayon sa platapormang nais ilunsad ni Pangulong Bongbong Marcos.
Dagdag pa ng opisyal, ang nangyaraing pilot implementation ay ang kanilang basehan kung talagang kakayanin ng kanilang mga systems at equipments ang milyon-milyong na nais ng hassle free renewals.
Samanatala, ang naturang sistema naman ay hindi pa nailulunsad ng buo sa punliko at patuloy na sinisiguro ng ahensya ang paggamit nito sa mga bsususnod pang henerasyon.