-- Advertisements --
Nanawagan muli ang Land Transportation Office sa mga unregistered vehicle owner na iparehistro na ang kanilang mga sasakyan ngayong Disyembre bago ipatupad ulit ang mahigpit na ‘No Registration, No Travel’ policy sa unang buwan sa susunod na taon.
Ayon kay LTO chief Vigor Mendoza II na ipinakita lang nila na hindi lang sila puro enforcement.
Kasabay nito nanawagan din ang opisyal lalong lalo na sa mga deliquent vehicle owner na magparehistro.
Ang hakbang ng tanggapan ay layong mabigyan ng pagkakataon ang mga may-ari ng mga sasakyang expired ang registration, na makapagparehistro na habang niluwagan pa nila ang polisiyang ‘No Registration, No Travel’ policy.