Tinatarget ng Land Transportation Office na multahan ang anumang uri ng hindi rehistradong pagbebenta at sangla ng mga sasakyan sa bansa.
Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II, sa kalagitnaan ng buwan ng Hunyo 2024 inaasahang maglalabas ng Memorandum hinggil sa naturang mga bagong polisiya.
Giit ng opisyal, kinakailangan na nakarehistro sa LTO ang pagbebenta o pagsasangla ng mga sasakyan dahil may kaukulang penalty ang ipapataw dito.
Samantala, upang maibsan naman ang bigat para sa mga Vehicle owners ay sinabi ni ASec. Mendoza na plano ipatupad din online ang pagpaparehistro sa bentahan at sangla ng mga sasakyan.
Sa pamamagitan nito ay naniniwala ang LTO na mas mapapadali ang proseso nito at hindi na mahihirapan pa ang mga tao.