-- Advertisements --

Nagbabala ang Land Transportation Office (LTO) sa mga motorista na hindi awtorisado sa paggamit ng sirens at blinkers o tinatawag na ‘wang-wang’ na agad tanggalin o haharap sa penalties.

Ayon kay LTO Officer-in-Charge Romeo Vera Cruz, sa ilalim ng Joint Administrative Order No. 2014-01 ang hindi awtorisadong paggamit ng sirens at blinkers ay papatawan ng multa na P 5,000 at pagkumpiska sa naturang devices kung saan magrereflect ito bilang demerito sa lisensiya ng naturang driver.

Paalala ng LTO sa mga motorista na sa ilalim ng Presidential Decree 96, Decree No 2, pinapayagan lamang ang paggamit ng sirens, blinkers at kaparehong devices sa motor vehicle na designated para sa official use ng Armed Forces of the Philippines, National Bureau of Investigation, Police Departments, Fire Departments, hospital ambulances, at ngLand Transportation Commission.

Saad pa ng LTO official na sa bisa ng LTO Administrative Order No. 1 Series of 1973, tanging ang mga authorized law enforcement motor vehicles, fire trucks , ambulances at tower service cars at wreckers ang pinapayagan na gumamit ng sirens.

Paglilinaw pa ni Vera Cruz na pinapayagan lamang na mga iba pang government officials na gumamit ng naturang devices ay ang Pangulo ng bansa, VP, Senate President, Speaker of the House of Representatives, at ang Chief Justice of the Supreme Court.

Maaalala na pinaigting pa ng mga law enforcers ang crackdown sa mga sasakyang gumagamit ng wang-wang sa gitna ng mga ulat na maraming hindi awtorisadong sasakyan ang gumagamit ng naturang devices sa mga lansangan para makaiwas sa traffic.

Ayon saulat mula sa Highway Patrol group noong July 8, mayroon ng 57 blinkers at 9 na sirens ang nakumpiska mula sa common vehicle users simula noong July 1.

Top