-- Advertisements --

Inatasan ni LTO chief, Asec. Vigor Mendoza II, ang karagdagang deployment ng traffic personnel upang tugunan ang pagdagsa ng mga biyahero pabalik sa lungsod matapos ang holiday season.

Pinaigting din ang kampanya para sa road safety laban sa overloaded na mga trak at sasakyang may lumang gulong. Mahigit 35 truck owners ang binigyan ng show cause orders matapos ang mga checkpoint sa Metro Manila at mga karatig-lugar.

Nanawagan si Mendoza sa mga motorista na sumunod sa mga regulasyon at tiyaking maayos ang kondisyon ng kanilang sasakyan para sa kaligtasan ng lahat.

Tiniyak niya na sapat ang bilang ng mga personnel sa mga pangunahing kalsada, partikular sa Metro Manila, upang tulungan ang mga motorista sa panahon ng pag-uwian.