Naghain na ng show cause orders ang Land Transportation Office (LTO) sa 24 na mga truck owners na siyang bumabiyahe ng may worn-out tires.
Ayon kay LTO Chief Vigor Mendoza III, napagalaman ng kanilang mga enforcers ang patuloy na pagbiyahe ng mga truck sa ilalim ng mga operators na ito gamit ang mga worn-out tires na siyang mahigpit na ipinagbabawal ng pamunuan.
Ito ay bunsod ng naging mandato ng LTO sa mga rehistradong truck owners na dalhin ang kanilang mga truck sa ahensya para sa isang “Road Worthiness Inspection” na siyang mahigpit na ipinapatupad naman ng LTO.
Samantala, dahil dito ay inobliga na ang mga operators na magsumite ng isang written at notarized na paliwanag kung bakit hindi sila dapat mahatulan ng kaso na nasa ilalim ng paglabag sa Republic Act 4136 o ang Land Transportation and Traffic Code.
Paliwanag naman ni Mendoza, isa lamang ito sa mga hakbang na ipinapatupad ng LTO para sa mas ligtas na kalsada para sa mga motorista at komyuters.