Sinimulan na ng pamunuan ng Land Transportation Office ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa nangyaring road rage shooting sa Antipolo City.
Ito ay batay na rin sa direktiba ni Land Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II sa Intelligence and Investigation Division ng ahensya.
Nilalayon ng pagsisiyasat na ito na matukoy kung ano ang pinagmulan ng kaguluhan na nauwi sa pamamaril.
Sa isang pahayag ay sinabi ni Asec. Mendoza na pagbabatayan nila sa paghahain ng kaukulang aksyon ang magiging resulta ng imbestigasyon.
Posible kasing mawalan ng lisensya ang driver ng SUV matapos ang insidente.
Ipinapatawag na rin ng LTO ang SUV driver at tatlong motorcycle riders na sangkot sa kaguluhan.
Pinatawan na rin ng LTO ng 90 days suspension ang driver licence ng SUV driver at isa sa motorcycle riders na sangkot.