-- Advertisements --

Naglabas ng pahayag ang Land Transportation Office kaugnay sa naging viral na video ng isang puting SUV na may plakang “7” na siyang dumaan sa EDSA busway na tumakas din kalaunan.

Ayon sa ahensya, nagsisimula na ang kanilang mga opisyal sa pagsasagwa ng imbestigasyon sa naturang insidente.

Batay sa naging inisyal na imbestigasyon, wala umanong protocol plate partikular na ang plate no. 7 na assigned sa naturang sasakyan.

Nangangahulugan umano ito na peke ang plaka ng puting SUV.

Sa ngayon ay nakikipagugnayan na umano ang ahensya sa Special Action and Intelligence Committee for Transportation of the Department of Transportation (DOTr-SAICT) para sa ma karagdagan pang imporamasyon tungkol sa insidente.

Matatandaan naman na ayon sa pahayag ng SAICT, nangyari ang insidente bandang 7pm gabi ng Nobyembre 3 sa northbound lane ng EDSA busway sa Guadalupe, Makati.

Kasunod nito ay isang babaeng enforcer ang sinubukang pumigil sa naturang sasakyan at muntik pa nga umano sasagan ng driver.