Isinusulong ng Land Transportation Office ang kaligtasan ng publiko kung kaya’t naglunsad ang kagawaran ng retooling seminar hinggil sa Motor Vehicle Roadworthiness Inspection.
Ang seminar ay dinaluhan ng mga inspector mula sa iba’t ibang tanggapan kabilang ang LTO MIMAROPA Regional Office, Calapan District Office, Pinamalayan District Office, Victoria Extension Office, at LTO Roxas Extension Office.
Binigyang diin din ni LTO MIMAROPA Regional Director Eduardo C. De Guzman, Chief Merwyn C. Quitain ang kahalagahan ng pagsabay nila sa pag-unlad ng teknolohiya, paglawak ng kanilang kaalaman, at pagiging maingat sa kanilang isinasagawang vehicle inspections.
Bukod dito, natalakay din sa naturang seminar ang iba’t ibang administrative orders and regulations gaya ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act 8750 o mas kilalang bilang ‘Seat Belt Use Act’, mga rules and regulations hinggil sa motorcycle lights, at operation ng motorcycles sa highways.