Nagpaliwanag ang pamunuan ng Land Transportation Office kaugnay ng nagkakaubosang drivers license card para sa mga kumukuha ng lisensya.
Ayon sa kay Land Transportation Office Chief Jay Art Tugade, hindi na hawak ng kanilang ahensya ang procurement nitong license card.
Sa bisa ng special order ng Department of Transportation nitong January, lahat ng procurement na may halagang 50 million and above ay ipoproseso sa central office ng ahensya.
Kung maaalala mayroon nalang halos 147,000 na drivers license card base sa imbentaryo ng ahensya.
Sa halos 30,000 na transaksyon sa kada araw, itong supply raw ay aabot na lamang ng limang araw.
Bilang solusyon dito ay mag iimprenta na lamang muna umano sa papel ng mga permit.
Ayon pa kay Land Transportation Chief Jay Art Tugade, isa umano sa nakikita nilang pansamantalang lisensya ay ang pag roll-out ng naka imprenta sa papel at sa likod nito ang official receipt ng pagkuha.
Magkakaroon naman raw ito ng kakaibang QR code na magvavalidate na ito ay ang opisyal na lisensya at upang hindi rin daw mapeke.
Nagpaalala naman si Tugade na sakaling kukuhanan ng litrato ay siguraduhing malinaw ang QR code bilang bahagi ng verification nito.