Nagsagawa si Land Transportation Office Chief Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II ng inspeksyon sa Plate Making Plant (PMP) ng ahensya ngayong araw, ika-18 ng Mayo ng taong kasalukuyan.
Ayon sa naturang pamunuan, regular umano itong inilulunsad upang masiguro ang kalidad at kahusayan ng paggawa ng mga plaka, pati na rin ang kaligtasan ng kanilang mga tauhan.
Bahagi rin ng hakbang na ito ang gampanin at pagsusumikap ng Land Transportation Office na matugunan ang kasalukuyang backlog sa produksyon ng mga plaka.
Kung maaalala, una nang inilahad at siniguro ni Mendoza na wala na umanong magiging backlog sa license card at plaka ng mga sasakyan pagsapit ng unang araw sa Buwan ng Hulyo.
Ang hakbang na ito ay bahagi raw ng pagsusumikap ng ahensya na mapabuti ang serbisyo sa publiko habang inaasahan naman na magtutuloy-tuloy na ang operasyon sa Plate Making Plant ng Land Transportation Office.