Nagsagawa ang Land Transportation Office ng Road Safety Campaign para sa Mothers Advocating Road Safety sa Marikina City.
Layunin ng nasabing programa na ito na mas maging aktibong makibahagi ang mga nanay sa adbokasiya ng ahensya.
Ang mga magulang daw kasi ang itinuturing na unang guro at sila ang may pinakamahalagang gampanin sa kanilang mga anak na gumabay sa aspeto ng kaligtasan at kaayusan sa kalsada.
Kaya naman sa ilalim ng Road Safety Program, naglunsad ang Land Transportation Office ng Traffic Safety Training and Advocacy Section sa pangunguna ni Ms. Beverly Sabela.
Samantala, patuloy naman na hinihikayat ni LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II ang mga kalahok na ipakalat o ipamahagi ang nakuhang kaalaman sa kanilang komunidad at maging mga huwarang tagapagtaguyod ng kaligtasan sa daan.