-- Advertisements --

Plano ng Land Transportation Office (LTO) na paigitingin pa ang road safety seminars sa mga tricycle drivers ng bansa.

Ayon kay LTO chief Vigor Mendoza, na kaniyang inatasan ang lahat ng mga regional at district directors nito para maturuan ang mga tricycle drivers.

Kasabay din nito ang planong paglunsad niya ng Tricycle Operators and Drivers Association o TODA Learning Centers sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Sa nasabing TODA Learning Centers ay magkakaroon ng kaalaman at ng obligasyon nila sa kalsada ang mga tricycle drivers.