Nakaheightened alert ang Land Transportation Office (LTO) sa papalapit na Semana Santa at Summer Season simula Marso 31 hanggang Abril 10 upang matiyak ang kaayosan at kaligtasan para sa mga pasahero at motorista.
Ang mga pangunahing lansangan ang prioridad ng nasabing ahensya, kabilang rin sa mga lugar ma magpapairal ng heightened alert ay ang Hilaga at Katimugang bahagi ng National Capital Region kasabay ng iba pang rehiyon.
Kaugnay nito, magsasagawa ng inspection sa mga public utility vehicle, pati na rin sa mga terminal, dagdag pa rito ay ang random drug testing sa mga driver at konduktor.
Magiging mahigpit umano ang LTO sa pagpapatupad ng Land Transportation and Traffic Code.
Dagdag pa sa paghahanda ay magkakaroon ng seminar para sa mga driver at konduktor upang mas maging malinaw ang ipatutupad batas trapiko sa darating na Semana Santa.
Ayon pa kay LTO Chief Jay Art Tugade, nais lamang umano nilang masiguro na magiging maayos at ligtas ang Semana Santa at bakasyon.
Aniya, sana ay makipag tulungan ang mga motorista gayundin ang mga pasahero sa nang sa gayon ay maging payapa ang biyahe sa mga susunod na araw.