-- Advertisements --
image 467

Naging mahal ang pagkuha ng driver’s license dahil sa sobrang bayad na sinisingil ng mga driving school para sa theoretical driving course (TDC) at practical driving course (PDC).

Kaya naman, ipinangako ng Land Transportation na magsasagawa ng mga hakbang para gawing mas abot-kaya ang presyo nito.

Sinabi ni LTO chief Assistant Secretary Jay Art Tugade mula nang maupo siya noong nakaraang taon, isang technical working group ang nilikha upang muling pag-aralan ang mga guidelines sa operasyon at mga bayad na sinisingil ng mga driving school at medical clinic na kabilang sa pag-a-apply ng driver’s license.

Batay aniya sa rekomendasyon ng naturang technical working group, ang Land Transportation Office ay nagmumungkahi ng makatwirang standard fee-based structure para sa driving schools para sa kapakanan ng publiko.

Sa kasalukuyan, sinabi ni Tugade na ang tanggapan ay naniningil ng P250 para sa student permit at P685 naman para sa driver’s license.

Gayunpaman, sa ilalim ng Republic Act 10930, dapat munang kunin ng mga aplikante ang theoretical driving course at ang practical driving course (PDC) para makakuha ng lisensya sa pagmamaneho.