-- Advertisements --
Nagbabala ang Land Transportation Office na kanilang huhulihin ang mga unconsolidated na pampasaherong jeepney pagdating ng Mayo 1.
Sinabi ni LTO chief Vigor Mendoza na kanilang mahigpit na susundin ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na hindi na papalawigin pa ang deadline ng consolidation ng mga
pampasaherong sasakyan para sa PUV modernization program.
Makikipag-ugnayan sila sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para makuha ang listahan ng mga maituturing na colorum na sasakyan.
Mahaharap sa kaso ang mga mahuhuling colorum at ang kanilang sasakyan aniya ay ma-iimpound.