Ipinagmalaki ng Land Transportation Office-National Capital Region ang kanilang revenue na umabot sa 2.70% para pa lamang sa unang kalahating taon.
Katumbas ito ng mahigit ₱4.67-billion na revenue collection ng naturang ahensya.
Ayon kay LTO-NCR Financial Management Division (FMD) Chief Annabelle Quevedo, sa ngayon ay tuluyan na nilang nalampasan ang first half revenue collection noong nagdaang taon na umabot lamang sa ₱4.5-billion.
Mataas ang nakuhang koleksyon ng ahensya sa buwan ng Enero, Pebrero, Abril, at Mayo na may kabuuang ₱3.22-billion revenue collection.
Karamihan sa mga kinita ng ahensya ay mula sa registration at licensing ayon kay Quevedo.
₱49.4-million naman ang nakolekta ng ahensya mula sa mga nahuhuling pasaway na motorista sa ilalim ng Law Enforcement and Traffic Adjudication System .
Nakapag-ambag rin ang Motor Vehicle Inspection Center na nakalikom ng ₱8.4-million.
Paliwanag naman ni LTO-NCR Regional Director Roque “Rox” Verzosa III, patuloy ang kanilang mga hakbang at estratehiya para sa tumaas ang kanilang revenue sa ikalawang bahagi ng kasalukuyang taon.