-- Advertisements --

Aabot sa kabuuang 458 enforcers ang ipinakalat ng Land Transportation Office – National Capital Region sa Metro Manila bilang bahagi ng paggunita ng araw ng mga patay ngayong taon.

Sa isang pahayag, sinabi ni LTO-NCR Regional Director Roque Verzosa III na ang hakbang na ito ay bahagi ng “Oplan Biyaheng Ayos.”

Paliwanag ni Versosa , katuwang ng ahensya ang iba pang ahensya ng gobyerno para matiyak ang katiwasayan at kaligtasan ng publiko ngayong Undas.

Maaari aniyang umabot sa libo-libong tao ang bumisita sa mga sementeryo sa Metro Manila ngayong Undas at pagkatapos ng paggunita nito.

Una rito ay nagsagawa na rin ng terminal inspection ang LTO para matiyak ang safety ng mga pasahero.

Magtutuloy-tuloy naman ang ganitong hakbang hanggang matapos ang paggunita sa araw ng mga patay.