Tuloy-tuloy pa rin ang isinasagawang operasyon ng Land Transportation Office-National Capital Region laban sa mga pasaway na motorista ngayong unang quarter ng kasalukuyang taon.
Ang hakbang na ito ay bahagi pa rin ng kanilang pagpapa-igting ng kampanya laban sa mga traffic violators.
Sa isang pahayag, sinabi ng LTO-NCR na pumalo na sa 10,000 pasaway na mga motorista ang kanilang natikitan.
Ang datos na ito ay mas mataas sa bilang ng mga nahuli noong nakalipas na taon sa parehong panahon.
Ipinagmalaki rin ng ahensya na pumalo na sa ₱26-M na kita sa gobyerno ang naging bunga ng mga operasyon nito.
Mas malaki rin ito ng 204% sa kita noong nakalipas na taon sa parehong panahon.
Batay sa datos ng ahensya, pumalo na sa 4,982 ang mga motorista na nahuli dahil sa paglabag sa Republic Act (RA) 4136 o mas kilala bilang Land Transportation and Traffic Code.
Iniulat rin ng LTO-NCR ang mga kaso ng unregistered motor vehicles na aabot sa 764.
Pasok rin sa mga nahuli ng ahensya ay ang 764 kaso ng unregistered motor vehicles ‘No Registration, No Travel’ policy.
Aabot naman sa 1,412 ang nahuli dahil sa mga defective depektibong accessories, devices, o equipment.