-- Advertisements --
Nagbabala ng pamunuan ng Land Transportation Office sa publiko laban sa mga indibidwal at grupo na nagaalok ng pekeng improvised plate authorization letters.
Ginawa ng ahensya ng paalala, matapos ang naging ulat ng LTO Calabarzon hinggil sa nagkalat na pekeng dokumento sa naturang rehiyon.
Ayon sa LTO, ang paggamit ng ganitong dokumento ay malinaw na paglabag sa batas at wala itong bisa .
Upang hindi mabiktima , iwasan ang pakikipag transaksyon sa mga indibidwal na hindi otorisado ng LTO.
Hinimok rin ng ahensya ang publiko na ugaliing makipag ugnayan sa LTO para sa mga kinakailangang dokumento.
Maaari naman iulat sa pinakamalapit na opisina ng LTO ang ganitong uri ng ilegal na aktibidad.