-- Advertisements --

Pinalawig ng Land Transportation Office (LTO) ng hanggang dalawang buwan ang mga validity ng Student Permit, Driver’s License, Conductor’s License ganun din ang Medical Certificate na magpapaso na sana ngayong buwan ng Enero at Pebrero.

Ang nasabing hakbang ay bilang tulong sa mga naapektuhan ng Alert Level 3 status.

Inayos na nila muli ang kanilang Land Transportation Management System (LTMS) para maging maganda ang kanilang onilne portal.

Balik na sa online ang mga transaction habang nasa Alert Level 2 pa ang maraming lugar sa bansa.