-- Advertisements --
Pinalawig pa ng Land Transportation Office (LTO) ng hanggang Disyembre 31 ang paghuli nila sa paggamit ng mga improvised at temporary plates ng mga sasakyan.
Ang nasabing kautusan ay unang ipapatupad sana nitong Setyembre 1.
Sinabi ni LTO chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II , na dahil sa pagpapalawig ay wala ng rason ang mga may-ari ng sasakyan na kunin na ang mga plaka ng kanilang sasakyan.
Kapag nakuha ay dapat ikabit na agad ang mga ito.
Dahi sa pagpapalawig ay natitiyak niya na maibibigay na sa mga tamang may-ari ng plaka ang mga unclaimed license plates sa mga may-ari nito.