-- Advertisements --

Pinangunahan ng Land Transportation Office (LTO) ang isang courtesy call para sa Highway Patrol Group (HPG) para sa pagppaigting pa lalo ng road safety at law enforcement sa mga pangunahing lansangan sa bansa.

Ang naging pagpupulong ay dinaluhan ng ilang opisyal mula sa iba’t ibang regional offices gaya nina Regional Director Ronnie S. Montejo ng Region 3, Regional Director Francis Ray A. Almora mula sa Region 2, at Law Enforcement Service (LES) Director Eduardo C. De Guzman.

Ayon kay Land Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, ang courtesy call ay para maging mas maayos ang trapiko sa mga kalsada at maiwasan ang mga pasaway na nagiging sanhi ng mga malalaking aksidente o mga inisdente ng road crash sa mga daanan.

Naging usapin sa pagpupulong ang mga maaaring gawing kolaborasyon sa pagitan ng HPG at LTO para mas maging maayos at banayad ang takbo ng trapiko sa mga lansangan at matalakay ang mga traffic-related concerns sa buong bansa.

Samantala, binigyang diin naman ng dalawang ahensya ang importansya ng partnership na ito para masiguro ang public safety, pagsunod ng mga motorista sa batas trapiko at mapanatili ang kaayusan sa mga lansangan sa bansa.