-- Advertisements --

Pinangunahan ng Land Transportation Office ngayong araw ang pagsasagawa ng public consultation hinggil sa guidelines sa paglilipat ng vehicle registration.

Kabilang sa mga kinaharap ng ahensya ay ang ibat iba nitong stakeholders.

Target na maamyendahan ng LTO ang mga guidlines para sa mga seller at buyer ng mga used cars na hindi pa naililipat o sadyang hindi inilipat ang vehigle ownership registration.

Nakilahok sa naturang public consultation ang ilang mga biker groups, financial institutions, banks, motor vehicle , dealers at iba pang kumakatawan sa mga transport groups sa bansa.

Sa naging pahayag ng LTO, ang hakbang na ito ay naglalayong gawing mahusay at mapadali ang proseso ng vehicle registration sa Pilipinas.

Kung maalala, sinuspinde ng ahensya ang AO No. VDM-2024-046 na kung saan ay nagpapataw ng malaking multa sa buyer at seller ng used cars na hindi magrereport sa LTO ng bentahan ng sasakyan at yuong hindi maglilipat sa rehistro ng sasakyan sa nakabili nito.