-- Advertisements --

Pinayagan na ng Land Transportation Office (LTO) ang pagbabalik sa kalsada ng mga motorcycle taxis sa araw ng Lunes Nobyembre 23.

Ito ay matapos na utusan sila ni Department of Transportation Secretary Arthur Tugade ang kanilang pagbabalik.

Ayon pa sa LTO na dapat sumunod ang mga motorcycle taxi na kinabibilangan ng Angkas, Joy Ride at Move It sa panuntunan mula sa Inter-Agency Task Force (IATF), National Task Force (NTF) COVID19.

Nakipagpulong na rin ang nasabing mga motorcycle taxis sa Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB), PNP Highway Patrol Group at Inter-Agency Council for Traffic.

Ilan sa mga panuntunan ay ang pagdadala na ng sariling helmet ng mga pasahero at ang pagkakaroon ng cashless payments para maiwaasan ang hawaan.

Magugunitang mula pa noong Marso ay natigil ang pamamasada ng motorcycle taxis dahil sa coronavirus pandemic.