-- Advertisements --
LTO

Nagbabala ngayon ang Land Transportation Office sa mga pasaway na motorista na ang ilan pa ay nangbabastos pa sa mga traffic enforcers sa kalsada.

Kasunod ito ng mga natatanggap na ulat ng LTO kaugnay sa mga pasaway na motorista, partikular na ang mga motorcycle riders na mabilis na nagpapatakbo upang hindi mahuli ng mga enforcers.

Ayon kay kay LTO chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II, dahil dito ay pinaplano ngayon ng kanilang ahensya na magpataw ng panibagong sanction sa ganitong mga motorista sa pamamagitan ng kanilang planong pagsususpindi sa driver’s license ng mga ito.

Sabi ni Mendoza, hindi katanggap-tanggap at maliwanag aniyang pambabastos sa batas at maging sa mga uniformed traffic enforcers ang ginagawa ng naturang mga motorista.

Samantala, kaugnay nito ay nagbabala naman si Metropolitan Manila Development Authority chairman Don Artes na hindi pa rin makakalusot sa kanila ang mga tumakas na mga pasaway na motorista sapagkat recorded aniya ang mga plate number ng mga ito, at automatikong pagmumultahin ng Php20,000 plus isang taong suspensyon ng driver’s license para sa kanilang third offense.