-- Advertisements --

Target ng pamunuan ng Land Transportation Office na dagdagan pa ang mga libreng Theoretical Driving Course na inaalok ng kanilang ahensya. 

Ito ang kinumpirma ni LTO chief Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II.

Aniya, ipinautos na niya ito sa mga  Regional Directors at District Office chiefs.

Paliwanag ni Mendoza na ang hakbang na ito ay alinsunod sa  adhikain ni Department of Transportation  Secretary Jaime Bautista.

Tututukan rin aniya sa libreng TDC program ang mga indibidwal na gustong mag-apply ng student permits.

Ang programa rin na ito ay inaasahang magbibigay ng maraming responsableng mga motorista sa kalsada.