CAUAYAN CITY- Tinalakay ng Land Transportation (LTO) region 2 ang panukalang pagpapatupad ng 10- year validity ng drivers license.
Sa isinagawang press conference ay nagsagawa sila ng kanilang information dissemination sa motoristang nagnanais na makakuha ng 10- year validiy ng kanilang lisensiya.
Ayon sa LTO Region 2 hanggang ngayon ay wala pang petsa upang pormal na ipatupad ang pagpapalawig ng bisa ng mga lisensiya hanggang 10 taon ay maaring ngayong buwan ng Nobyembre ang intial implementation nito.
Tinalakay rin ng LTO Region 2 ang mas pinahigpit na requirements sa pagkuha ng lisensiya kasabay ng pagpapalawig ng bisa nito.
Ayon kay Acting Assistant Region Director Manny Baricaua may ilang mambabatas ang hindi pabor sa nais ng LTO na higiptan ang requirrments ng mga motoristang kukuha ng kanilang lisensiya subalit naniniwala siya na magandang bagay ito upang maiwasan ang mga motoristang walang sapat na kaalalaman sa mga batas lansangan.
Isa sa mga nakapaloob sa pagpapatupad ng 10-year validity ng divers license ay ang mandatory comprehensive drivers education at periodic M\medical examination para sa lahat ng mga nais kumuha ng lisensiya.
Kabilang rin sa mga pinag aaralang ipatupad ng LTO region 2 ay ang pagpapataw ng points system kung saan bibigyan ng demerit points ang mga motoristang mahuuli o lalabag sa batas lansangan na siyang magiging basehan ng LTO sa pagbibigay ng License Validity.
Ayon kay GInoong BAricaua kung ang isang Motorista ay makakuha ng limang hanggang siyam na demerit points ito ay isasailalim sa re-orientation habang ang napatawan ng sampung puntos na demerit points ay isasailalim sa intervention.
Kapag naabot naman ang 40 point demerit points ay otomatikong mapapawalang bisa ang lisensiya ng isang motorista sa loob ng dalawang taon.