-- Advertisements --
LTO

Siniguro ng Land Transportation Office na mayroong sapat na mga plaka para sa motorsiklo at iba pang mga sasakyan.

Ito ay kasunod ng paglilinaw ng ahensya sa pag gamit ng improvised license plates na pahihintulutan lamang ito sakaling mawala, manakaw o kaya naman ay masira ang plaka ng sasakyan.

Binigyang diin ni Land Transportation Office Chief Jay Art Tugade na kinakailangan ring lagyan ng katagang “LOST PLATE” at ipakita ang authorization letter bilang patunay na mayroong pahintulot mula sa ahensya na gumamit ng improvised plate.

Ang plaka para sa motor vehicle plates ay hanggang July pa samantalang hanggang June naman ang para sa motorcycle.

Base umano sa inventory ng LTO ang natitira na lamang ay nasa halos 1 million plate para sa motorcycle, para naman sa motor vehicle ay 300,000 plates.

Ngayon rin daw ay kinaharap ng ahensya ang isyu sa mga ilegal na nagbebenta ng plaka dahil kung pagbabasehan umano ang Memorandum na umiiral mula noong 2017 ang mga dealer lang ay pinapayagang mag issue ng temporary plate.

Upang ma identipika naman na ito ay orihinal kailangan na nakasunod ito sa standard design.

Makikita rito ang pangalan ng dealer, ang katagang registered pati ang file number at ang rehiyon kung saan naregister ang sasakyan.