Sisimulan na ng Land Transportation Office (LTO) ang kanilang imbestigasyon sa nangyaring madugong karambola ng sasakyan sa Katipunan flyover sa Quezon City na ikinasawi ng apat na katao nitong nakaraang linggo.
Sinabi ni LTO chief Vigor Mendoza II na binigyan na nila ng show-cause order ang truck driver na pinagmulan ng aksidente na si Richard Mangupag.
Malalaman sa imbestigasyon kung mayroong pagkukulang sa parte ng may-ari lalo na sa aspeto ng roadworthiness o kanilang driver.
Maging ang may-ari ng truck ay kanilang ipinatawag para maipaliwanag niya ang panig nito.
Una ng pinatawan ng 90-day suspension ang driver’s license ni Mangupag habang isinasagawa ang imbestigasyon habang maari itong matanggalan ng lisensya dahil sa mga kasong kinakaharap niya.