Sinimulan na umano ng Land Transportation Office (LTO) – National Capital Region ang paghahain ng criminal cases laban sa mga operator ng colorum na sasakyan na patuloy na nag ooperate sa Metro Manila.
Ayon kay LTO-NCR Director Roque Verzosa, ito ay bahagi ng kanilang kampanya na mabantayan at hulihin ang mga hindi-rehistradong sasakyan .
Babala ni Verzosa sa mga colorum operators na hindi titigil ang ahensiya sa kanilang crackdown sa mga colorum na sasakyan at tinitiyak na pananagutin ang lahat ng mga violators.
Maalalang bago nito ay ipinag-utos ni LTO chief Vigor Mendoza II ang malawakang crackdown sa mga colorum na sasakyan sa buong bansa.
Ayon kay Mendoza II, kailangang matiyak na lahat ng mga pampublikong sasakyan ay nakaksunod sa istriktong regulasyon sa pamamasada, operasyon, mga batas-transportasyon, at road safety.