Sinuspendi ng Land Transportation Office (LTO) ang operasyon ng tatlong driving schools sa Metro Manila at Cavite dahil sa pamemeke ng mga theoretical at practical driving course certificates.
Sinabi ni LTO chief Atty. Vigor Mendoza II, na ang mga driving schools sa La Pinas City, Caloocan City at isa sa Silang, Cavite ay pinatawan ng 30-araw na suspensiyon.
Base sa nakuha nilang impormasyo na nagbibigay ang mga ito ng certificates kahit na hindi nakukumpleto ang mga courses.
Ang nasabing theoretical at practical driving course certificates ay siyang mahalagang requirements sa pagkuha ng mga drivers license.
Giit pa ni Mendoza na nakakabahala ang insidente dahil ito ay pagmumulang ng mga malalaking aksidente.
Kanilang pagpapaliwanagin ang nasabing mga driving schools kung saan kapag hindi makuntento ang mga opisyal ng LTO ay maari nilang tuluyan itong ipasara.
Magugunitang noong nakaraang araw ay pinatawan na rin ng kaparehas na kaparusahan ng LTO ang dalawang driving school sa Lucena City at San Sebastian sa Tarlac dahil sa parehas na paglabag.