-- Advertisements --
Sinuspendi na ng Land Transportation Office (LTO) ang drivers license ng lalaking South Korea na sangkot sa pagkakasunog ng isang gasolinahan sa Clark, Pampanga.
Sinabi ni LTO chief Vigor Mendoza, na suspendido ng 90 araw ang drivers license ni Sunbin Yim.
Mananatili itong suspendido habang hindi pa natatapos ang kanilang imbestigasyon.
Binigyan rin nila ang 41-anyos na si Sunbin ng show-cause order para ipaliwanag ang pangyayari.
Magugunitang ibinangga ng suspek ang kaniyang sasakyan sa gasolinahan na nagdulot ng pagkasunog.