Sinuspendi ng Land Tranporation Office (LTO)ang pagpaparehistro ng mga electric tricycles at e-bikes.
Ayon kay LTO Chief Vigor Mendoz na base sa kautusan ng Department of Tranportation ay kanilang sinuspendi ang Administrative Order 2021-039.
Nakasaad kasi a AO na ang mga hindi rehistradong electric vehicles na dumadaan sa mga pampublikong kalsada ay dapat ma-impound.
Ang nasabing suspension ay makakaapekto sa otoridad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at local government units na mag-issue ng regulations sa e-vehicle.
Dagdag pa ni Mendoza na sila ay inatasan na matiyak na ang AO ay hindi sumasalungat sa Electric Vehicle Industry Development Act.
Magugunitang noong Abril 15 ay pinagbawalan ang mga electric vehicles na dumaan sa mga pangunahing kalsada.
Noong Abril 18 naman ay pinayuhan ni Pangulong Ferdinand Marcos ang MMDA at mga LGU na bigyan ng sapat na panahon ang mga gumagamit ng e-vehicles bago sila patawan ng parusa.