-- Advertisements --

Pinatawan na ng Land Transportation Office (LTO) ng 90-araw na suspension ang drivers license ng driver ng sasakyan na tumatakas habang nakabitin ang traffic enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ayon sa MMDA na ang suspensiyon ay bahagi ng protocol habang isinasagawa ang imbestigasyon.

Bukod sa suspensiyo ng lisensiya ay inilagay sa alarma ang nasabing sasakyan.

Binigyan na rin nila ng show cause order ang may-ari ng sasakyan habang gumugulong na ang imbestigasyon.

Una ng sinabi ng traffic enforcers na sangkot na desidido itong sampahan ng kaso ang driver ng sasakyan.