-- Advertisements --
LTO 1

Inihayag ng Land Transportation Office na plano nilang gawing fully digital ang aplikasyon sa pagkuha ng mga Student Permit, Driver’s License at renewal.

Sa isang pahayag, sinabi ni LTO Chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II, doble effort ang ginagawa ng kanilang ahensya upang matugunan ang panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Paliwanag ng opisyal, mababawasan na ang mga fixers sa ahensya dahil kaunti na lamang ang face-to-face transactions sa ahensya.

Giit ni Mendoza, ang teknolohiya ay talagang epektibo upang mapuksa ang korapsyon sa lahat ng mga transaksyon sa kanilang tanggapan at mga satellite offices nito.

Pinagpagbuti at pinalalakas na rin ngayon ng LTO ang kanilang information dissemination.

Layunin nitong mahikayat ang mga motorista na tangkilikin ang online transactions sa registration at renewal ng motor vehicle registration.
Paliwanag pa nito na nasa proseso na ang LTO sa pag-integrate ng bagong IT system sa lumang sistema upang masigurong hindi magkakaaberya o technical glitches.