Target ng Land Transportation Office (LTO) na makapag-produce ng 42,000 plaka ng mga sasakyan kada araw bilang parte ng hakbang na matugunan ang 13 million pang backlog sa license paltes para sa motor vehicles at motorsiklo.
Ayon kay LTO chief Vigor Mendoza II, nasa 11 makina ang magiging full operational simula sa susunod na buwan kabilang dito ang 2 robotics machines.
Nakapag-order na rin ang LTO sa pamamagitan ng Department of Transportation ng 15.9 million metal plates na gagamitin sa produksiyon ng mga plaka para sa bagong mga sasakyan at pagpapalit ng berde sa puting plaka.
Ayon pa sa LTO official, aabutin ng mahigit 2 taon para matapos ang buong 13 million backlog na karamihan ay para sa replacement ng mga plaka ng mga motorsiklo.
Nangako naman si Mendoza na maliban sa pagtugon ng backlog , nag-commit din ito na maipamahagi ang lahat ng hindi pa naki-claim na mga plaka bago matapos ang kasalukuyang taon.