Masusing pinag-aaralan ng Land Transportation Office ang panghuhuli sa mga pampublikong transportasyon ilang araw bago ang striktong pagpapatupad nito.
Ilang araw bago tuluyang hulihin ang mga traditional na jeep na pumasada pero hindi nakapag-consolidate ng prangkisa ay mahigpit na ipatutupad ng ahensya ang panghuhuli laban sa kanila.
Ayon kay Land Transportation Office Chief Undersecretary Vigor Mendoza II, strikto nilang paiiralin ang panghuhuli sa mga unconsolidated jeepney at maging sa mga kolorum na mga sasakyan.
Papatawan ang mga mahuhuli ng mula anim na taon hanggang labing dalawang taong pagkakakulong dahil sa pagiging kolorum at maari pang ma-impound ang mga sasakyan.
Aniya, masusi pa nilang pinag-aaralan ang panghuhuli dahil posibleng magkulang ang masasakyan ang mga pasahero.
Samantala, sa ginawang pagpupulong ng ahensya at ng ibang transport agencies pinaghahandaan nila para tukuyin ang mga ruta kung saan maraming pasahero at marami din ang mga jeep na hindi na papasada.
Hiningi na nila ang tulong ng mga lokal na pamahalaan para magbigay ng libreng sakay.
Nakahanda na rin ang mga labing limang libong deputized personnel na manghuhuli sa mga ruta na maraming mga hindi nakapag-consolidate na jeepney operator.