Kinumpirma ng Land Transportation Office na naghahanda ang kanilang ahensya sa pagpapatupad ng speed limiter para sa lahat ng mga PUV.
Pangungunahan kasi ito ng Department of Transportation katuwang ang LTO at LTFRB.
Sa isang pahayag , sinabi ni LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II na alinsunod ito sa Republic Act 10916 o ang Road Speed Limiter Act .
Sa ngayon aniya ay hindi pa naipatutupad ang batas na ito na dapat sana ay noong taong 2016 pa.
Layon ng batas na gawing mas ligtas ang byahe ng mga pasaher at upang gawing mataas ang pamantayan ng safety sa mga PUV sa Pilipinas.
Ang pagpapatupad ng batas na ito ay bahagi ng hakbang ng gobyerno na pababain ang bilang ng mga naitalang aksidente sa kalsada.
Sa kasalukuyang datos ng World Health Organization, aabot sa 1.3 milyon na individual ang nasasawi dahil sa mga nagaganap na aksidente sa mga kakalsadahan sa buong mundo.
Humigit kumulang 20 milyon naman ang naitatalang nasusugatan dahil sa aksidente.