-- Advertisements --

Pagpapaliwanagin ng Land Transportation Office (LTO) ang SUV driver na lulan umano ng isang kongresista at pick-up truck na dumaan sa EDSA Busway.

Ayon sa LTO na lumapit na sa kanila ang mga opisyal ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) para agad na matukoy ang may-ari ng sasakyan.

Ang nasabing mga sasakyan kasi ay mabilis na tumakas habang pinapara ng mga miyembro ng SAICT dahil sa pagdaan sa EDSA Busway.

Hindi kasi otorisado ang nasabing mga sasakyan na dumaan sa EDSA Busway.

Nagsasagawa na rin ng imbestigasyon ang mga otoridad sa pagkakakilanlan ng kongresista na sakay ng nasabing sasakyan.