-- Advertisements --
Agad na tutulong ang Land Transportation Office (LTO) sa Department of Agriculutre (DA) matapos ang pagdeklara nila ng food security emergency.
Ayon kay LTO chief at Assistant Secretary Vigor Mendoza II, inatasan na nito ang kaniyang mga regional directors at namumuno ng mga law enforcements units na tulungan ang mga cargo trucks na magde-deliver ng mga bigas sa buong bansa.
Handa rin silang magbigay ng escort para sa mga cargo upang mabilis na makarating sa mga lugar na labis na may kakulangan ng bigas.
May mahigpit na ugnayan sila sa DA at ibang ahensya para maisakatuparan ng maayos ang pagde-deliver ng mga bigas.