-- Advertisements --

Pinatawag na ng Land Transportation Office (LTO) at pinagpapaliwanag na nila ang driver ng saksakyan na sangkot sa road rage sa Subic, Zambales.

Ayon kay LTO Chief Vigor Mendoza, na kanilang sinuspende ng 90 days ang drivers license ng babaeng driver na sangkot sa insidente.

Hinihintay nila ito sa kanilang LTO Central Luzon para pagpaliwanagin ukol sa insidente.

Magugunitang makailang ulit na binangga ng babaeng driver ng SUV ang kotse na minamaneho ng isang senior citizen sa Subic, Zambales nitong Pebrero 17 ng umaga.

Ang driver ng SUV ay mula sa Morong, Bataan habang ang sasakyan ay nakarehistro sa babaeng residente ng lungsod ng Makati.

Pagtitiyak ni Mendoza na kaniyang tututukan ang nasabing kaso.