Umapela ang Land Transportation Office sa mga may-ari ng mga pampasaherong jeep na hindi na consolidate na e-drop sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang prangkisa upang maiproseso ang pagrerehistro ng kanilang sasakyan bilang isang private vehicle.
Ayon sa ahensya, kung hindi nila ito gagawin ng mga may-ari ng mga sasakyan ay maituturing na silang kolorum.
Ayon kay LTO Chief Vigor Mendoza, base sa kanilang datos nasa 42,000 na mga jeep ang may prangkisa pero umaabot lamang sa 22,000 ang mga rehistradong pampasaherong jeep sa ngayon.
Maglatag rin ang ahensya ng mas maraming traffic enforcers sa buong bansa sa darating na Pebrero 1 para manghuli sa mga unconsolidated jeepneys.
Sa ilalim ng PUV modernization program, kapag hindi nakapag-consolidate ay automatic ma-revoke ang prangkisa ng mga pampublikong jeep ngayong taon.