Nananatiling nasa critical risk classification ng COVID-19 ang munisipalidad ng Lubang, Occidental Mindoro at posibleng naabot na ang peak ng surge ng cases.
Ayon sa OCTA Research Group mula October 27 hanggang November 2, naitala ang 1.41 na C0VID-19 reproduction number sa Lubang, ang average daily attack rate o ADAR ay nasa 170 cases sa kada 100,000 popolasyon at 44% ang positivity rate na maituturing na nasa critical level base sa ginamit na US non-profit covid act now model.
Nasa high risk naman dahil sa COVID-19 ang La Trinidad Benguet at ang Dumaguete City sa Negros Oriental dahil ito sa mataas na average daily attack rate, healthcare utilization rate at mataas na testing positivity rate.
Sa kabila nito, bumubuti naman ang COVID-19 risk levels sa ibang mga lugar partikular na sa Davao City at Antipolo City na nasa low risk na sa virus.
Itinuturing na nasa moderate risk naman ang mga lungsod na kinabibilangan ng Zamboanga City, Baguio City, Bacolod City, General Santos City, Tuguegarao City, Puerto Princesa City, at Tagum City.