Aminado si Luis “Lucky” Manzano na nagulat sila ng misis at kapwa artistang si Jessy Mendiola sa kumpirmanong romantic relationship ni Edu Manzano sa co-star na si Cherry Pie Picache.
Si Lucky ang anak ni Edu sa “Star for All Seasons” at dating asawang si Vilma Santos.
Ayon sa 40-year-old TV host/comedian, binati nito ang ama sa larawan kung saan kasama si Cherry Pie at sumagot naman ito na “happing happy” talaga siya.
“We were caught off guard. Talagang no one saw it coming. I don’t even think dad and tita Pie saw it coming. I think a friend of mine took a picture with them tapos he sent me a picture. He was with daddy and tita Pie. Date night yata sila. So I sent the picture back to daddy,” kuwento ng nakababatang Manzano sa Live with G3.
“Nakikita ko rin naman how happy he is with Tita Pie,” dagdag nito.
Nabatid na enjoy pa rin sa kanilang US vacation ang 66-year-old actor at ang 51-year-old actress kung saan kabilang sa kanilang pinasyalan ay ang New York at Winter Haven sa Florida.
Sa mga ibinahaging larawan ni Picache, sumakay sila ng cruise habang nanonood ng sunset at may kuha rin sila na magkadikit ang mga ulo habang nakasara ang mga mata.
Ngunit maliban sa kanilang “quality time,” nakipagkita rin ang dalawa sa ilang close friends ng aktres na kanya na raw maituturing na pamilya.
Si Edu ay dating ikinasal kina Vilma Santos at Maricel Soriano, habang huli nitong nakarelasyon ang non-showbiz girl na nagngangalang Iryne Garcia.
Si Cherry Pie naman ay hiwalay na noon pang 2006 sa kanyang partner na si Gary Tria ikung saan siya mayroong isang anak.