-- Advertisements --

Inaasahang papalayain na ngayong araw ng Biyernes, Disyembre 13 ang authorized representative ng sinalakay na POGO hub na Lucky South 99 na si Cassandra Li Ong mula sa Correctional Institute for Women sa Mandaluyong city.

Ito ang inihayag ng abogado ni Ong na si Atty. Ferdinand Topacio matapos na tanggalin ng House of Representatives ang contempt citation na inisyu laban sa kaniya dahil sa health reasons.

Kahapon din ng alisin ng House committee ang contempt orders na inisyu laban kina dismissed Bamban Mayor Alice Guo at negosyanteng Chinese na si Tony Yang, ang kapatid ng dating adviser ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Michael Yang.

Sa isang statement, sinabi ni Atty. Topacio na ang kolektibong opinion ng publiko at media ay gumaana para maapgtanto ng QuadComm na isang grave injustice umano ang patuloy na pagkulong kay Ong.

Matatandaan na na-cite for contempt noong Oktubre 23 matapos mabigong magsumite ng mga dokumentong kailangan ng House Quad committee na nag-iimbestiga sa POGO at kanilang illegal na aktibidad.

Si Ong ang sinasabing stakeholder ng Whirlwind, ang komapniya na nangupa sa lupain sa Porac, Pampanga para sa umano’y POGO hub na Lucky south 99 na sinalakay noong Hunyo 4 dahil sa human trafficking.

Nahaharap din si Ong sa kasong inihain ng Anti-Money Laundering Council, Presidential Anti-Organized Crime Commission, at National Bureau of Investigation para sa 87 bilang ng money laundering may kaugnayan sa POGO.